I: Bakit ganun, parang ang dali dali para sayo, kalimutan lahat, talikuran lahat and just walk away from it all... Bakit ganun...
J: I'm also having some thinking of my own... masama din ang loob ko dahil sa ginawa ko...
I: Ilang beses ka nadapa, pero I never gave up on you when you asked for a 2nd or 3rd chance... Ang gusto ko lang sana kasi kinausap moko ng harapan. Dahil iintindihin kita... Kahit ano pa gusto mo, iintindihin kita kung kinausap moko at di iniwan sa ere... Di nako galit. Drain na drain lang...
I: Kung hinarap moko at nagusap tayo ng maayos and you asked for some space, I would have let you go... Let you go maski masakit at dahil mahal kita, I would have set you free, kung alam ko lang na di kana masaya... Maayos sana... Walang samaan ng loob.. Masakit pero I would have let you go... Di sana ganito...
J: Napaka unjustifiable siguro ng reason ko. Pero ayoko makita kitang umiiyak... because i will stay again. Then same problem. Unfair na naman lalo sayo un. Dahil sa ginawa ko na ito. Lalo ko lang ginawang komplikado sitwasyon ko. Napaka gulo ng isip ko.
I: Ano ba problema?
J: Gusto ko lang magkaron ng oras sa sarili ko. Kaya sana patawarin moko kung naging biglaan. Ilang buwan ko na daladala ito. Kaya masyado na unfair sayo. Walang ibang taong involve. Sarili ko lang...
I: Kelan mo pa naramdaman yan?
J: Around April - May...
I: Hangang kelan? Bakit mo sinabing babalik ka?
J: I know myself. Kaya ko sinabing babalik ako because of possibilities... ang hirap mangako. Mahirap magbigay ng time frame. Mahirap magpaasa. I can't afford to hurt you again.
I: So.... It is over... No more promises... Un nga.. Let's go on with our own lives... Salamat at sumagot ka sa text ko... At least kahit pano, alam mo un... Naintindihan ko... Ayoko ng galit... Dahil naging masaya rin tayo e. Siguro di pa tayo para sa isa't isa. Salamat dahil naging parte ka ng buhay ko. Salamat sa lahat.
I: Kung saan ka masaya... Suportahan kita... Sana matagpuan mo kung ano man yang gusto mo. Sana maging maligaya ka...
I: Sorry sa lahat ng kung ano mang nagawa ko sayo... Basta... Sorry...
I: Minahal mo ba ako?
J: Oo. Nung una palang kitang nakita. Tunay at totoo ang naramdaman ko para sayo...
I: E ngayon?
J: Hangang ngayon...
I: What happened to us?
J: Don't use "us" it's not your fault...
I: I don't know kung ano pang formula to make a relationship work... Suko nako... I don't know what happened..
J: Im sorry din sa lahat lahat... Messing up all the things you've planned five years ago... and I also thank you sincerely for giving and sharing me your life with those five years we had...
-END-
When i woke up after a few hours I sent him these messages.. but he never replied anymore... I guess this is...
I: Is this goodbye? Are we saying goodbye?
I: Isang pitik ng kamay... Ganun lang kadali...
I: Im so sorry kung I keep texting you. Kung naiistorbo kita.. Di lang kasi ako makapaniwala na eto na talaga un. I keep sayign to myself to be strong pero ang hirap, dahil nawala ung taong pinagkukunan ko ng lakas. I feel so empty. Di ko lam kung san ko uumpisahang pulutin sarili ko. Mahal kita e. Minahal kita ng sobra sobra, wala nang naiwan sa akin... Mahirap umasa, mahirap magpaasa... Masakit talaga... Napakasakit...
No comments:
Post a Comment