~~~~
December 21
Our last day in the office, we prepared lunch for our workers. Kahit papaano eh makapag pasalamat sa taon na dumaan. It was not exactly a Christmas party dahil wala namang activities. Konting salo-salo lang. Nakakapagod dahil nagbigay narin ako ng mga 13th month nila and sweldo. Then we gave goodie bags sa mga children nila sa Tumana. Nakakastress. All that na witness ni Jet how toxic it was. I was in the verge of crying but even that, I was too tired to even do. Super stress na stress talaga.
After all the hassle, inaya nalang ako ni Jet na magcoffee and yosi sa Coffee Bean. On our way to Cubao bigla namang nagbago plano at napasama ako sa kanya sa Alabang to have dinner with his father together with Fritz, Tin (Fritz’ girlfriend) and Fatima. Unfortunately, Shang (the bunso) was not able to join us. Okay naman. Had dinner at Old Spaghetti House. Nakakatense dahil it was my second time to meet his father. Medyo nakakaintimidate kasi. Hehehe! Kwentuhan with Tin about Havaianas. Tapos ang aliw dun yung about sa Borat movie.. Tawa kami ng tawa. Si Fatima di nga lang maka-relate sa amin dahil di pa nya napapanood, dapat mapanood na nya. Nakakalokah! Tapos si Jetong mukhang tanga dun sa Pasta Negra nya. Bagay ang kulay sa kanya lalo na nung kinain na nya at nagkulay itim lalo ang maitim na nyang labi. Hahaha! It was a good laugh! After dinner Tito Ramon bought us cakes. Yummy!
Then nung nagkahiwalay-hiwalay na, nagcoffee nalang kami ni Jet sa Alabang Town Center at Seattle’s Best. Tapos nagtext si Rizal (friend ni Jet) at nagaayang mag-inuman daw. Eh di ako naman gustong-gusto eh si Jet being a SUPER KILL JOY eh ayaw pa nung una eh sabi ko ang aga-aga pa para umuwi at matrapik. Pumayag din ang mokong! Go kami sa house ni Rizal at bumili nga sya ng isang case ng beer. Mega kwentuhan . Umabot kami ng 2am ata dun… Masaya kasi minsan lang naman ako makipagbonding sa mga kabarkada ni Jet. 3:30am na ako nakauwi!
Nakakapagod itong araw na ito pero all was worth it. Simula na ang bakasyon! Yepey!
December 22
Last Tuesday nag apply ako for Globelines Broadband (dahil sa kuya kong nag encouraged sa akin, si Kuya Tony!), ang sabi by Friday daw may pupuntang magkakabit ng line. But kahapon may nagpunta na at kinabitan nako ng line sabi nalang wait ko nalang daw yung technician nilang magconfigure sa laptop ko. Then today, dumating sya at inaayos na. Yahoo!!! Goodbye to dial-up and 10 years of waiting for one site to load! Yahoo!!!!! Hehehe! Hello fast connection. Hello unlimited usage! Because I am unlimited, kinulit ako ni Jet na i-download ang Gunbound. It’s been almost a year since I last played that game… So ayun! Hello addiction! Hello sleepless nights! Hello eyebugs! :p
Great way to start my vacation!
December 24
Jet came over as early as 8am ata yun. Naghihilik pa ako. We were betting kung maaga nga syang makakapunta. Ang loko, maaga ngang nagpunta – nagising sya ng maaga huh! Hindi kasi kami makakapagspend ng Christmas together kasi may family reunion sila and ako naman – wala naman talaga dito lang sa house.
So ayun… ginising ako with his gift at yung adorable gift ni Fatima. Baliw talaga yun! Pero aliw na aliw ako ha! Hehehe! Si Jetong naman nagulat dahil hindi nya alam kung ano yung gift ni Fatima kaya when I opened it, sya ang nagulat at lumaki ang mata. Hehehe!!!
Guess what it is? Hihihi!
We just spent the day together, he went home around 4pm. Si Nanay naman umalis at nagpunta sa Alabang to celebrate with her brother and a few relatives. Di na ako sumama dahil…. Hehehe! Wag nalang!
I spent the night playing Gunbound then dumating sila around 10pm… Konting pahinga tapos 11:45 bumaba ako to celebrate with our angels. Ako, Ate Lita, Lorrie, Manang, Jenelyn, Mercy at si Nanay din nagising at nakisalo sa amin. Kami lang sumalubong sa pasko. Masaya narin… We had, chicken macaroni salad, fried chicken, fried fish lumpia, and cake. Ayos!
December 25
Stayed at home. Stayed in bed the whole day. Trabaho ng tamad! Hehehe! Ate Jean called from Colorado. It was nice hearing from her. I miss her.
December 27/28
Due to the Taiwan earthquake – Ayun! Akala ko may virus na ang laptop! Yun pala dahil sa telephone cable na nasira sa earthquake kaya affected ang internet ko… Hay! Galing ni Mother Nature… Na realize ko how much I am so dependent sa technology. Some people I know also suffered from that event. Maski pagtanggap ng text message nila affected. Bad trip! Parang kakastart ko palang mafeel ang broadband eh eto na ang kamalasan… Hay! Sana Maayos na….
~~~~
The year is almost over… Ano bang nangyari sa 2006 ko… Hhmm…
1 comment:
ahaha!parehas tayo ate!mas mahalay nga lang yung sakin kasi kissmarks yung nakalagay!hekhek!sabi ni eric: "kikiwinie anu yan?bakit may kiss?" walang idea ang mokong!;p
-kitty
Post a Comment