Isang buwan na pala...
Ang tagal na...
Ano bang nangyari sa akin...
Madami rin...
Pagbabago...
~~~~
Bago matapos ang taong 2006, nagkasakit si Lisa. Hindi ko akalaing mag-iisa sya sa pagsalubong sa taong 2007. Kailangan ko kasing iwan sya sa doktor nya nung december 31 ng umaga. Bigla nalang nanamlay at hindi kumakain. Natakot ako. Sabi ni Doc Romy, iwan ko daw at oobserbahan nya. Ayun, kahit masakit sa aking loob dahil unang beses sana kaming magkakasama sa bagong taon, naiwan sya. Sa gitna ng putukan, alak at bbq, iniisip ko kung natatakot ba sya sa mga putok o maigi na ba sya. Hay, ganun talaga.
Kinabukasan, hindi ako nakatiis at kinuha ko na sya. Akalang talaga magaling na. Yun pala hindi parin. Nararamdaman kong may masakit parin sa kanya. Dinala ko sya ulit sa isa pa nyang doktor kay Doc Martinez at doon nakita namin na may sugat pala sya na hindi gumagaling. Buti nalang at naagapan naman. Ngayon, balik na sya sa dating makulit at pasaway na ugali nya.
~~~~
Enero, nagsimula narin kaming magkita-kita ng barkada hindi dahil may okasyon, dahil gusto lang namin magkita-kita. Mag-usap tungkol sa aming buhay-buhay. Halos tuwing sabado ay magkasama kami ni Mariel. Maganda. Dahil isang pagkakataong magkaroon ulit ng isang "bonding" na matagal-tagal narin naming hindi nagagawa dahil sa abala na sa trabaho at sari-sariling buhay. Bakit nga naman hindi, ngayong lima nalang kaming natitira dito sa Pinas eh, hindi pa ba kami magkikita-kita. Nakakamiss din naman ang barkada. Di tulad nung highschool. Halos araw-araw magkakasama... Ngayon maswerte na kung makumpleto kaming siyam (ang ika sampu namin ay hindi na namin nakita simula nung kolehiyo). Lalo na ngayong ang isa ay nasa Australia, ang iba'y nasa Singapore, Malaysia at ang isa nama'y matagal nang nasa Amerika. Nakakalungkot... Nakakamiss...
~~~~
Enero rin ng magsimula sya sa kanya trabaho. Isang malaking adjustment sa aming dalawa. Lalo na sa akin.
Nung nalaman ko na nag-aapply sya sa call center, okay lang. Lahat ng suporta na gusto nya ibinigay ko sa kanya. Naiintindihan ko ng kaunti ang buhay call center. Dahil halos lahat ng barkada ko yun ang trabaho. Pero iba parin pala kung karelasyon mo na ang biglang nasabak sa ganung industriya. Malaking "adjustment" talaga.
Masaya ako para sa kanya. Masaya. Pero hindi ko magawang tumawa o ipakita sa kanya na masaya ako. Tinanong nya nga ako kung bakit mukhang hindi ako masaya dahil iba ang boses ko sa telepono. Hindi ko sya masagot. Masaya ako sa totoo lang pero hindi ko mawari kung bakit hindi ako matawa o makaramdam na parang gusto kong lumundag o gumulong-gulo sa tuwa. Isang malaking "achievement" para sa kanya yun, kung mahal ko sya at hanggad ko rin ang mabuti para sa kanya (pagkatapos lahat ng paghihirap at mali ng nakaraan) dapat tumambling ako sa tuwa ngayon. Pero hindi. Isa akong malamig na yelo na kausap nya sa telepono. Pero masaya ako para sa kanya.
Kagabi. Dahil sa isang mababaw na pangyayari ay nalaman ko ang kasagutan kung bakit hindi ako tumatambling.
Nung nakaraang biyernes ay nagsimula na sya sa training nya sa Alabang. Kasama parin ang mga kaibigan simula't sapul syang nag sanay sa Future Perfect palang. Sabihin na nating may nabuong barkadahan. At syempre sa isang barkadahan, pag nagkakatuwaan hindi mo maiaalis na maginuman para ipagdiwang ang ilang bagay. Noong una, nung nakapasa silang lahat sa CCT nila sa Makati (isang dalawang linggong pagsasanay). Tumawag sya, pauwi palang, galing Las Pinas, at ayun! Lasing na lasing. Nakuha pang magmaneho at maghatid ng mga kaibigan. Nag alala lang ako dahil hindi naman ganun yun. Bulol na eh. Nainis ako. Tapos nasundan pa. Unang gabi ng sahod nila. Uminom ulit. Okay fine. Ipagdiwang ang unang gabi ng sahod. Naintindihan ko. Masaya sya. At ang sabi ay hindi naman daw gabi-gabi yun at hindi na mauulit. Aba! Kagabi lang... Naginuman nanaman. Teka lang, ang sabi hindi gabi-gabi. Pero ayan nakainom nanaman. Ang gulo rin kausap. Nainis ako. Umiyak ako sa inis. Pero hindi ko sya inaway o hindi ako nagtext ng kung ano-ano.
Nanahimik ako at dun ko naisip kung bakit ba ako hindi natutuwa sa lahat ng pangyayari. Dahil natatakot akong mawala sya. Natatakot akong mapunta sa puntong sasabihin kong "I've lost him." Na tuluyang nagbago sya dala ng trabaho. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya. Natatakot ako sa mga impluwensya ng mga tao sa paligid nya at dagdagan pa ng "pressure" sa trabaho. Hindi sa wala akong tiwala eh... Natatakot ako sa mga bagay na pwedeng mangyari sa kanya at sa aming dalawa... O sadyang mapaglaro lamang ang aking isipan. Hindi ko alam. Isa na siguro yung nalulungkot ako dahil masaya sya pero hindi nya ako kasama. Kailangan ko pang maghintay ng Linggo bago ko sya makita. O ayaw ko lang maulit ang nakaraan... Ewan. Ang gulo ko.
Sana tumambling nalang ako.
~~~~
Noong kaarawan ni Mariel (January 20), nagkita-kita kami sa Makati. Nag meryenda kami nila Tet at Mariel sa Bizu. Masarap. Nakakatuwa. Maganda. Nagustuhan ko ang Afternoon Tea. Sumunod naman si Jet mula sa CCT nya at dumaan saglit (kelangan nyang umalis din at dadaan ba sa Bangkal, sa lola at lolo nya). Kwentuhan. Maagang umalis si Tet dahil may trabaho pa kinabukasan. Kami ni Mariel nagpunta sa Salcedo Park at nagkwentuhan ulit. Hanggang sa mag 7:30 pm na yata iyon o 8pm at kami'y muling bumalik sa Greenbelt 3 para kitain sila Jai at Jordan (ang kanyang boyfriend) para naman sa dinner. Kaso dahil sa madami kaming nakain sa Bizu, dessert nalang daw sa Max Brenner. Nakauwi na ako ng 12 ng gabi. Ewan ko ba kung anong naisip ko at ako'y omorder ng dark chocolate shake at chocolate souffle. Pag uwi ko sa bahay, feeling ko mamamatay na ako. Tumaas ata presyon ko at madaling araw na ay dilat na dilat parin ang mata ko. Okay! High sa chocolate. Hindi ko na uulitin yun. Promise.
~~~~
Kahapon naman ay nagkita kami ulit ni Mariel para mag meryenda sa Bizu at kunin ko ang aking pinabiling tsinelas. Salamat mare!
Noon ayaw na ayaw kong pumunta sa Makati. Dahil mahirap sumakay ng taxi, trapik at pakiramdam ko ay malayo. Pero ngayon, unti-unti na akong nasasanay. Hhhmm... hindi kaya'y ito ay isang senyales???
Nang ano naman? Ewan!
~~~~
Sa lahat ng buwan sa loob ng isang taon, Enero ang pinaka nakakadepress at nakakastress para sa akin. Tested na yan maski noong nakaraang taon. Siguro dahil nagsisimula palang ang taon. May hang-over ka pa nung nakaraang taon at nastrestress ka kung anong mangyayari sa bagong taon. Para masarap dahil malamig ngayon ang panahon... Hehehe!
~~~~
Enero 26, Umuwi si Kuya Peter (asawa ni Ate Cindy), naiyak ako nung nakita ko sya. Niyakap ko. Dahil namimiss ko Ate ko at mga pamankin ko. Kasi parang sya ang koneksyon ko sa kanya. Wala lang. Kung nandito lang si Ate... maraming hindi sana nangyari. Sana... Kaso nangyari na. Wala nang balikan pa.
~~~~
Enero rin naglabasan ang mga Slim version ng Havaianas... Balik naman sa kaadikan. Butas nanaman ang bulsa. Taghirap nanaman... tsk tsk tsk! Hehehe!
~~~~
Hay.. Pebrero na... Sana magbago na ang ikot ng mundo. Sana bigyan pa ako ng katinuan. Sana hindi mabaliw si Jet sa akin. Sana malamig parin ang panahon para masarap matulog...
2 comments:
kumare parang alam ko ang nais mong ipabahagi kaya tagalog ang ginamit mong wika sa iyong "blog" -- hindi ko alam ang tagalog ng blog. hahahaha. tignan mo naman, nakiki isa ako sa yo!!! o ano kumare, sabado na naman!!! :)
di naman masyado mare! hehehe! naway masilayan ko ang iyong bagong gupit... :p
salamat sa iyong suporta!
Post a Comment