Ang buhay minsan nakakatawa talaga... magugulat ka nalang... hay.. bakit ganun? Pagkatapos ng isang problemang ilang buwan ko naring dinadala, heto nanaman. Minsan na isip ko na hindi ko na kaya. Ayoko na... Suko na ako. Ano ba pinaglalaban ko? Ano ba makukuha ko sa mga bagay na pilit kong ayusin pero sadyang gustong sirain ng iba? San ba ako lulugar? Naiisip ko nalang, lahat ng ito, lahat ng pagtitiis, lahat ng sakit nakakaya ko dahil sa isang tao lamang. Ang aking Ina. Tuwing nakikita ko sya, yun lang ang mga pagkakataong nagpapabago sa aking isipan. Nagpapatatag ng aking loob. Hindi. Hindi ako pwedeng umalis. Kailangan nya ako.
Bakit ang ibang tao sakim sa pera? Bakit sila ganun? Yun lang ba ang importante sa buhay? Oo alam ko, hindi ka makakakilos kung wala kang pera pero hanggang dun lang ba ang sukatan ng iyon pagkatao? Sisirain mo ang pagkatao mo dahil sa pera? Alam ko masarap ang may pera, masarap mabuhay, marami kang mabibili, makakakain, makukuha, giginahawa ka, pero yun lang ba un? Hanggang dun lang???
May kilala ako, sobra ang ambisyon na sya buhay. Lahat planado... Pati kung sino ang dapat nyang mapangasawa... Bakit hindi, nang galing sya sa wala. Kaya nang may makita syang oportunidad na gumanda at maiangat ang buhay nya, hindi na nya ito pinakawalan. Nung una akala ko mabuti syang tao, akala ko ok sya.. bilib nga ako e. Kaso nanglumaon, ang unggoy damitan mo man, unggoy parin. Di po ba?
Nakakapanghinayang lang... Hindi ako naiinggit sa mga pamilyang ang sasaya kung nagkikita-kita. Dahil naramdaman ko rin yun, sa isang punto ng aking buhay. Akala ko nga magtutuloy-tuloy na.. Kaso sabi ko nga.. mapaglaro ang tadhana. Pera. Ambisyon. Galit. Inggit. Pag pinagsama-sama mo, walang matigas na pader ang makakaligtas. Kawawa ang mga bata. Nagkakaroon ng debisyon. Nagkakaron ng mga maling pagkakakilanlan. Nasan ang pamilya? Nasan ang pagkakaisa, pagmamahal, pagaaruga...
Ewan ko ba. Ayoko sanang sumuko... Ayoko sanang maniwalang wala nang mabuting kahihinatnan ito... kaso ito ang realidad. Ito ang totoo. Wala na. Wala nang pag-asang mabuo muli. At ayoko na rin. Iisang tao lang ang aking gusto at dapat intindihin. Sya at ang ilang kasama sa aming tahanan ang aking pamilya. Sila lang. Wala na akong magagawa kundi ang ipagdasal nalamang sila. Sana malinawan ang kanilang pag-iisip na... pera lang yan. Ano ba ang mas importante? Ang pagmamahal ng isang kapamilya o ang pera na unti-unting sumisira sa iyong pagkatao?
Buhay nga naman....
2 comments:
mare minsan talaga gusto na nating sukuan ang buhay. lalo na pag may mga taong bwiset sa tin. but you know what I've learned these past months, there will always be someone who will make you smile. yung tipong amidst a crowd of detractors, andun yung mukha niya nakangiti sa yo, prodding you to go on.Just keep the faith.
And at the end of it all, he will make everything worth it.
Feeling pain is the hard way to know you're still alive. But someday, someone will make you glad you survived.
I can't wait for that day to come.... Lam ko naman lahat may katapat. I know God won't let bad things happen to good people... Thank you. :)
Post a Comment